sa ngayon, iniisip ko nag tumuigil na sa pagsulat.
parang nawala lase ang buhay ko ng nwala ka sa akin.
alam mong sayo umiikot ang mga salta. sayo ako kumukuha ng mga ideya. ikaw ang kulay ng buhay. masakit sa akin ang magkahiwal;ay tayo.
ganun siguro yun...ang bagay na mali kahit kailan nde magiging tama.
pero bakit minsan akong naging masaya.
parang panaginip na hindi ko na matandaan. masakit at hindi ko alam kung hanggang kelan ang sakit na nararamdaman ko.
mahal kita at mahal pa din kita. pero nagdesisyon na akong bitiwan ka na.
ayoko ng masakatan pa. ayuoko nang mainsulto pa. nde ako ito.
tama ka les, ito ang labang dapat noon ko pa isinuko.
lunod na lunod pa din ako.
hinahanap pa din kita. sumisisid pa din ako pailalim at nagbabakasakaling nandoon ka pa pero, nauna ka na palang umahon sa akin. wala na akong mgawa kundi ang umahon mag-isa at hanapin ang mga nwalang bahagi ng buhay ko.
at kahit ano pa marahil na pagbubura, paliligo at paglilinis ko, ang mga marka at tatak na iniwan mo sa akin ay habambuhay ko nang dala.
napatawad na kita kasi mahal kita pero hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakit na ibinigay mo.
sa pagpasok at paglabas mu sa buhay ko, nawala ang dati kong kulay. nawala ang dating ako.
ngayon bagong tao na umuusbong mula sa mga bahaging nahimay at natitira sa akin.
bilog ang buwan, aakyat uli ang mga talangka. habambuhay kitang maalala kahit pilitin kong kalimutan ka.
minsan, naging tanga ako.
bakit sayo pa?
minsan nagmahal ako ng sobra..
bakit ikaw pa?
at bakit mahal pa din kita?