Alam kong kailangan kong gawin to para maging maayos ang pakiramdam ko. Para masettle ko ang nagulo kong mundo. Hindi ko na pwedeng iwasan to and I know I would feel better if I can release everything in whatever way possible... – which for me is blogging.
Bakit ako messed up? Someone cared enough to ask me why. And thank you Neil for the concern. Now, read this to answer your questions.
Alam mo ba yung pakiramdam na lutang ka? Yung bang wala ka sa sarili mo. Physically present and mentally absent. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Though, mentally present pa din naman ako, especially sa office kasi ayoko na may magtatanong pa kung okay ako. Sa mga may planong magtanong: OKAY AKO... LUTANG LANG TALAGA...
BAKIT?
Sana masagot ko kung bakit. Iba lang yung pakiramdam ko. Para akong dagat. Maalon ngayon ang emosyon ko. Masaya tapos biglang malungkot. Parang rollercoaster. Ang labo no? Eh, sa yun ang nararamdaman ko eh. Magulo. Sobra.
Confused nga siguro talaga ako ngayon. Nagdecide na kasi akong maglet go. Nagdecide na akong wag magexpect. Nagdecide na akong wag nang umasa. Nagdecide na ako na pakawalan yung love. Nagdecide na ako na tanggapin na baka nga hindi kami para sa isa’t – isa ni Jed. That day, I wrote my blog Jerrold Llavorre Crisostomo was the day I decided to let him go and set myself free. Ayoko na kasing umasa. Nakakapagod. Ayoko na kasing masaktan. Hindi ko na kasi kaya eh. Ayoko nang magexpect kase baka hindi magkatotoo. Sabi ko sa sarili ko; maybe, hindi na matutupad yung plano namin ni Jed years ago. Yung masayang plano. Yung honeymoon sa Palawan. At madami pang iba. Sabi ko ng araw na yun, pakakawalan ko sya at kapag bumalik sya, Akin talaga sya. Inisip ko na lang, yung sinabi nya sa akin 5 months ago... “Find someone real kasi may mga bagay na hindi mo makukuha sa akin. I’ll find you after I settled everything.”
After that, I received a text message from him. Kinukumusta nya ako. Tapos nagtanong sya kung pwede kaming magkita. Nanghina na naman ako. Kelan ba ako HUMINDI kay Jed? I cant remember a single instance that I said no to him. I decided to meet him. Actually kami na ni Les ang nagusap. Pero alam ko naming sasama sya eh. Kaya lang, naset ko na din yung expectation ko nab aka walang Jed na dumating. At tama nga yung pakiramdam ko. Walang Jed na dumating. Sabi ni Les sinundo daw ni Bon. Wala akong magagawa dun. Si bon kasi yung kailangan nyang I-settle eh. Sabi ni Les, sinumpa na daw ng buong angkan ni Bon si Jed. Hindi ko na lang pinansin pero alam ko na nakita ni Les yung disappointment sa mukha ko ng sabihin nyang susunod si Jed. Alam kong halata ni Les yung lungkot sa boses ko ng sabihin kong, “hayaan mo na sya, hindi na sya makakarating” Tama na naman ako. Hindi nga sya makakarating.
Ulit. Sabi ko sa sarili ko, “wag ka nang umasa Rem. Dont Expect anything” I tried to live normally. Went to work. GO home. Facebook. Blog. School.
Last Saturday, nagkita kami ni Jed. And hindi ko alam kung ano yung emotions ko. Hindi ko masabing excitement sya. Blanko yung emotion ko. Tinanong nya ako kung namiss ko sya. Sabi ko, hindi ko alam. Totoo. Hindi ko alam. Hindi ko siguro alam kung paano idescribe yung naramdaman ko nung nagkita kami. Hindi saya eh. Hindi Excitement. Hindi naman ako nalungkot. Hindi ko lang talaga alam kung ano yung nararamdaman ko.
Jed, I know you are reading this. Please don’t get me wrong and please tapusin mo para magets mo ha?
4 days pass bago ko nalaman kung bakit blanko yung pakiramdam ko nung nagkita kami. Blanko kasi hindi ko na inaasahan yun. Pero di ba dapat Masaya ako? Hindi ko naramdaman na Masaya ako kasi pinapakiramdam ko yung sarili ko. Iniisip ko kung ano dapat yung maramdaman ko. Sabi nga ni Marvin, wag ko gamitan ng isip. Gamitan ko daw ng senses ko. Listen to what my heart says daw. Kaya lang, dinedebunk kasi ng utak ko yung sinasabi ng puso ko... “Tumigil ka nga dyan, hindi ka nadala. Ilang beses ka na bang umasa at nasaktan?”sabi ng utak ko sa pusok ko. Natakot naman ng magreason out yung puso ko. Kaya ayun, no emotions ako nung nagkita kami.
But Jed knows his ways to me. Alam nya kung paano ako lambingin, kaya bago natapos ang mga oras na magkasama kami, alam ko na si Jed pa din yung lalaking gusto kong makasama for the rest of my life. Si Jed pa din yung gusto kong maging tatay ng anak ko. Si Jed pa din yung stranger in my dream. Si Jed pa din ang mahal ko. Natuto na naman akong umasa. Nagexpect na naman ako. Sabi nya, “wala na kami ni Imee. (Bon). Hiwalay na kami, sabi ko sa kanya, gusto nya ibigay nya sa akin yung baby.”
**TAKE NOTE: FIRST TIME READER AT HINDI NAKAKAALAM NG KUWENTO: WALA SYANG ASAWA AT HINDI SYA KASAL ***
Masaya akong umuwi ng gabing yun. Alam ko naman na magiging maayos kami. Ngayon, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Tama naman sI Jed, hindi maiiwasang magkita sila ni Bon. Hindi maiiwasang pumunta sya don dahil nga sa baby. Tanggap ko naman na yun. Alam ko naman na yun eh. Alam ko kung gaano kakomplikado yung situation. Pero bakit ba ganito yung nararamdaman ko. Sabi nila, assurance daw kasi ang hinahanap ko. Sabi nila tanggapin ko daw na nagseselos ako. Sabi nila, bakit ba si Jed pa eh meron namang iba.
Oo nga naman. Bakit ba si Jed pa? Ito lang ang sagot ko dyan. Kasi si Jed ang mahal ko. Kasi si Jed ang gusto ko. Kasi si Jed ang someone that I want to grow old with. Kasi si Jed ang part ng buhay ko na hindi ko magagawang itapon at pakawalan. Sabi nga nila pathetic. Anong magagawa nila, Mahal ko sya eh.
Oo nga, siguro nga kailangan ko ng assurance, pero alam ko naman yun deep inside eh. I’m assured na kami na talaga. Selos. Tama. Selos nga itong nararamdaman ko.
Hai. Sabi ko na nga ba, kailangan kong isulat ang lahat para malaman ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. OO, nagseselos ako!

