Tuesday, January 05, 2010

Bataan Escapades

Umalis kami ng barkada ko last May 16-17, 2009. Originally ang usapan eh, magkita kita dapat kami ng 3:00AM. Kaya lang may mga bagay na nde inaasahan na nangyari. Ayun, si Tin tin kasi nahold sa office ng bitag kase biglang bago ng isip yung boss nya… biglang nagrush editing si Tin. So yung 3:00am naging 5:30am…

Naunang dumating si annie. Katapos ko lang maligo ng sabihin nyang, nasa meeting place na sya sa cubao. Mamaya daw dumating na si Ninya. Mga banding 6am, dumating ako… so mayabang kaming 3 kase maaga kami kahit late pa kaming dumating. Hehehe…

Syempre kawawa ang pinakalate na dumating. Lagi namang ganun eh.., super mega dinikdik yung pinakalate… tradisyon na yun ng grupo… mga quarter to 7 ata dumating si ninja…. Syempre… nadikdik din sya… eh, si Tin tin ang pinakalate… so, ayun, nadikdik na naman sya…. Hahahaha….

Nakaalis kami ng manila, around 8am… dun na kami sa pinakadulo ng bus naupo… sakto kaming lima… ako nasa may bintana, katabi ko si ninja. Si tin tin sa gitna tas si ninya at si annie yung nasa kabilang bintana.

Since late na kami nakaalis. Nde na naming nagawa yung planong sorpresahin ang mga tao sa bataan. Ayun, tinext din naming si mama ghie. Nagpasundo kami tuloy. Hehehe… J

Ang saya saya… kaya lang, nde talaga naiiwasan yung tampuhan ng mga tao sa bataan. Nagdamdam sila nanay beak at tatay macoy. Tas inaasar pa ni mama ghie. Hainaku. Pero Masaya yung kabuuan ng lakad.

Unang araw. Kina nanay beak kami kumain ng tanghalian. Daing na bangus ang ulam. Hehehe. Nakatulog kami hanggang hapon. Nagising kami, tapos nanood ng boys over flowers… J naalala naming yung lokohan nung college na barkadang f4 ang barkada namin, kami kasi yung makukulit na barkada. Unlike ng iba, na puro mga gimikera, nde din kami yung barkadang matatalino na laging me study group. Kami yung outgoing na barkada. Mahilig umakyat sa bundok, mahilig sa mga volunteer work. Pero kami ang pinakaclose sa iba pang mga barkada. Since kami ang makukulit, at kami din daw yung bully though me nambubully din sa amin…. Kami pa din ang mango tango.

Wag nyo na itanong kung bakit mango tango… nde ko alam kung san nanggaling yan. Pero mukhang Masaya at nakasanayan na namin yun pangalan hanggang sa yun na yung tawag sa amin… hai…

Masaya naman ang buhay… so mabalik tayo sa bataan. Nung gabi kelangan naming dumalaw kina mama ghie. Actually dun talaga kami matutulog. Naghapunan kami at sinabing, gusto naming umakyat sa natib… open na daw uli eh… so, nagplano kami na magkikita ng 530am sa bahay nila annie… hulaan nyo kung anong nangyari?

Ayun, late na naman. Yung 530 naging 630am…hahaha. So nagalmusal kami. Parang ang sarap ng tuyo sa probinsiya no? nagtampo si nanay beka… kase nagluto uli sya ng almusal. Eh, busog na busog pa kami saka gusto naming makaakyat ng maaga… ayun…

Nde kami natuloy sa natib kase late na… malamang tanghali na kami dumating dun di ba? So sa ilog ng orani kami napunta… (sayang wala pa yung mga pix) nakakatuwa kase me mga hagdan na yung trek… madali yung pababa… naguunahan pa nga kami eh…. Pagdating sa ilog… gandang ganda kami sa ilog. Ang linaw ng tubig tapos sobrang lamig. Yung dala tuloy naming softdrinks, inilagay naming sa ilalim ng bato.. instant freezer… hehehe

Naglangoy kami ng naglangoy hanggang mapagod. Nang magutom, kumain kami. Nang nabusog naligo uli. Tas pinakain uli kami. Tanghalian na yun. Sardinas ung ulam… ang sarap nga nya… iba talaga kapag libre… hehehe

Pagakyat namin, Ayun. Naguunahan kami nila ninya at ani at nja… ewan ko ba… adik kami eh… ang sarap kase ng pakiramdam na nauuna ka… hahaha…. Ano pa ba? Ayun… si tin nagtampo at nagself pity kase feeling nya hinang hina sya… hahaha… (tin, alam mo naman yung kaadikan natin di ba?) so pagdating sa taas, nagmamalaki kami…. Hahaha…. J

Tapos…dumaan kami kina nanay beka.. at since nakaluto na sya, at nahiya naman kami, kumain uli kami.. adobong manok ang ulam… (bawal sa akin yun kahit yung sardinas) pero kumain pa din ako… nakakahiya kase eh… so ayun.. nananghalian kami. Pagkatapos nun konting pahinga para maghanda sa pagpunta sa bahay nila ma ghie.. andun kase yung gamit naming eh…

Pagdating kina ma ghie, natuyuan na yung mga damit naming… ayun… ang saya… nagbanlaw kami tas naghanda na pauwi. Pareho pareho ang reaction ng mga taga doon. Bakit daw saglit lang kami. Gustuhin man namin na magtagal nde pde kase me mga pasok pa kami. Saka kelangan kong umuwi me entrance exam ako eh. Tas yun, umuwi na nga kami pero, kelangan pa din naming kumain kina ma ghie… wah… naka-apat na pananghalian kami…

Umuwi kami. Si Tin nilagnat. Tulog kami lahat sa bus. Sa cubao na kami naghiwa-hiwalay. Si annie sa kamachile bumaba, naiwan si ninja kase sa ortigas or shaw ata sya baba….

Iba yung experience. Masayang makasama ang barkada ko. Namiss naming ang isa’t isa. Namiss ko yung mga ganitong lakad. Nakakamiss talaga. Narealize namin na madaming nagbago sa amin. Iba nay un takbo ng utak namin though andun pa din yung kakulitan, mejo seryoso na kami ngayon. Nakaset yung mga priorities pero may time pa din kami para sa isa’t isa.

Hai… J sa ngayon, eto nagpaplano kami ng susunod na lakad… J excited na ako….

No comments: