Tsk… Tsk… natutuwa naman ako. Para kaming sira ni Jed habang magkatext. Kung ano-ano na naman napaguusapan naming. Nakakatawa. At para siyang dejavu.
2 years ago, month of april. Niyaya niya ako magpakasal.
Malapit na ding makaalis sila Momi Menchie at Tictac nun papuntang US. Next silang 2 ni JP. Malapit na naman ang camp nun. Mas malaki pera naming na darating since mga Head Teachers kami. Sabi nga ni Leslie. Mas may tiwala sa akin kasi alam nyang pde niyang iwan sa akin ang responsibilidad. Nakakatawa ang mga plano naming nun. Plinano namin ni Jed na pagkatapos na pagkatapos ng Camp. The time na dumating kami ng Manila, tutuloy kami sa Palawan. Magcecelebrate. Kaming 2 lang.. for sure naman, mageenjoy kami.
Sinabi ko sa barkada na nagsabi na si Jed. Nde maganda ang dating sa kanila ng balita. Nagulat ako ng tinanong ako ni tata, Rem, natatandaan mo ba yung Imee? Sabi ko, oo. Sinabi sa akin ni tata na buntis daw si Imee at si Jed ang tatay.
Shock, numb, nde ko alam kung pano ako nagreact that time. Nasa boso boso kami nun.kaming 5, ako, si rox, si les, si jon at si Tata. Si jed lang ang wala. Kaya nagulat ako. Sinabi ni tata na magkasama daw si Imee at si Jed that time.
Ang sakit nun. Sabi nila, umiyak na daw ako, pero wala kaseng pdeng makapagbago ng isip ko. Sabi ko, kakausapin ko muna si Jed. Nilapitan ako ni Roxie. Sabi nya, “sis, sige kausapin mo si jed, pero nde sya basta basta aamin sayo. Mahal ka nun eh.:
Nagusap kami ni Jed. Tinanong ko siya. Nde daw. At if ever man daw na totoo yun, magpapakasal pa din kami at itutuloy lahat ng plano. Papanagutan daw niya yung bata pero nde nya papakasalan si Imee. Dahil ako ang gusto niya. Naniwala ako. Nagtiwala ako.
June 8. Masyado na akong maraming naririnig. Masyado nang nagugulo ang tahimik kong mundo. Nagusap kami. Nde pa din siya umaamin kahit alam ko na ang totoo,. Ang gusto ko lang naman aminin nya na nabuntis nya ang babaeng yun. Nde niya ginagawa. Nakakainis na. Umuwi ako ng Aklan para makapagisip at makapagdecide. Bumalik ako ng June 28.
July. Camp na. Wala siya sa terminal ng genesis. Sabay sabay daw ang dating ng Taytay Boys. After lunch na. Dumating siya. Kinumusta ako. Pero cold ang bati ko. After nun, nagusap kami. Sabi ko, kelangang ayusin niya ang buhay nya. Ayoko ng Complications. Gusto ko ng maayos na buhay. Lie low muna kami.
Nde ako nagging Masaya sa camp na to. Malapit na yung birthday nya nung umamin siyang buntis nga si Imee at siya ang ama. Ang sakit sakit, nde kami nagusap ng ilang araw. Nagiinom ako nun every night, nagpapakalasing.
3rd day, nde sya nakatiis, kinausap nya ako, ayusin ko daw sarili ko. Sabi ko inaayos ko ang sarili ko. Oo nagiinom ako kasi gusto kong makatulog at makalimot. That time, naghiwalay na din kami. Sabi ko, kelangan nyang panagutan yung bata.
Break up… masakit sa akin at nahirapan ako. Pero andun si Leslie to assist me. natapos ko ang Camp ng maayos. Nakuha ang sweldo ko. Umalis ako magisa. Nagbakasyon ako magisa. Nde natuloy ang Palawan. Nde natuloy ang kasal. At nde na ako nakipagkita pa sa Taytay boys. Si roxie, twice lang kami nagkita after nun.
Wala pa akong balak magtrabaho nun. Aksidente nga lang na napunta akodito sa NCO. Si Eddie yung magaapply sa Job fair nun kaya lang ayun, binigyan ako ng form at nagexam ako. Pumasa ako. Pati sa interview. Nagsign ako ng contract. Shit! Me trabaho na naman ako… problema, nakaoo ako nun ke kuya Ron sa events.
Product Training, lagi akong tulog for 5 days kase 9pm-6pm ang training, 10-am-5pm nasa batangas ako para sa events. Mabait lang trainor ko nun.. hahaha. Pumasa ako.. the rest is history. Kung taga NCO Xbox ka. Alam mo na ang mga sumunod na nangyari.
February 20, 2009. Birthday ni Leslie. Tinawagan ko siya at binati. Ayun. Nagulat ako ng sabihan nya ako na, napapariwara ako. Nagmsg ako sa FS nya. March 6, nagtext si Jed. Nagulat ako. Nde ako naniniwalang siya yung nagtetext sa akin. Nagusap kami. Kinumusta nya ako. Nagkuwentuhan sa text. After 2 years saka ko lang nalaman na namatay pala ang baby nila ni Imee. 3 days old lang si Baby Gab, nalungkot ako.
March 12. Nagkita kami. And it seems im back in time... 2 years ago, iba yung pakiramdam ko when I look into his eyes. I see a lonely man inside. Sinabi nya na namiss nya ako. Oo namiss ko din sya. Sobrang namiss. And the moment I laid my eyes on him I realized how much I love this guy. The moment na niyakap nya ako, nde ko na napigilang umiyak at humingi ng sorry. Nagsorry din sya. And that moment, we know, we’re both back in each others arms.
Nagusap kami at sinabi nyang pupunta kami ng Palawan. Pero kasama sila leslie. And he promised me that he will make it extra special.
Masaya ako. Lahat ng pangarap ko natutupad na. Masaya ako kase andito na uli si Jed. At Masaya ako kasi inaayos na nya lahat ng complications sa buhay niya. Masaya ako kase naayos ko na din ang buhay ko.
One step at a time kami ngayon. Starting a new beginning. Getting to know each other uli. Madaming nagbago sa amin. And ito kami ngayon. Masaya. One day at a time. Soon, makakarating din kami dun… J
This time, I wont let him go. Now I know, the real meaning of Faith. And its about time. Bilog ang mundo… J
No comments:
Post a Comment