I’m a traveler by heart. I love going to places. I love meeting people, learning their way of living. I love spending time under the trees, swimming in the rivers or seas, running in the rice fields, and simply lying in the grass or spending time inside a nipa hut.
My mom is from Leyte. I’ve been there only once. I guess I was in 4th year high school then… no, I’ve in my first year college that time when I spent my Christmas vacation with my balikbayan aunt (my mother’s youngest sister)
Maganda ang lugar pero nde siya nakakastarstruck. Boring. Super boring. Siguro kase wala akong kakilala. O dahil naiinis ako kapag ang daming daming bumibisita sa akin na nde ko kilala at nde ko alam yung mga pinagsasabi nila. (nakakainis kasi…nde ko masyado maintindihan yung dialect nila… kase yung alam kong salita sa aklanon, iba pala ibig sabihin sa kanila…)
Ang nakakainis pa nun. Binilhan lang ako ng ticket tas binigyan lang ako ng 1500 na pera para makauwi. Wah. Mag-isa ako tas since rush na yung byahe kase karamihan nagmamadaling makauwi, trucking na lang ang available. Huhuhu… wala kaseng barko.. either by land or air lang. wala ng available seats sa eroplano kaya no choice ako… land trip ako… 17-20 hours yung byahe. Nde ako masyado nakakain sa byahe. Nde din ako nakatulog. Huhuhuh.. ang dami ko pang bitbit. Isang backpack na damit saka mga prutas. Pagdating sa pasay station ng philtranco, nagtaxi na ako hanggang bahay. Nakakaiyak. Nde ako natuwa sa lugar. Nalungkot ako. Nde ko naenjoy ang dagat kase medyo madumi saka ayaw pumayag ni Auntie baka daw alunin ako. Pacific ocean na kasi yun eh.
My dad is from Aklan. I’ve been there almost every summer vacation that I have when I was younger. The last time that I went there was 2 years ago for my dad’s burial.(Sad na naman tuloy ako…)
I love my dad’s place. I love the antique house. I love the ricefields. I love the food, the beach, the trees, the plaza and the school grounds. Every month of May, lagi ako kasali sa Santa Cruzan simula pa noong bata ako. Ang mananahi ko si Auntie Lily. Yung tita ni Rio. Lima kaming magkakaibigan. Ako, si Le-an na pinsan ko, si Bhye na katabing bahay naming saka yung kapatid nya na si Mel, saka si Rio na katapat bahay namin.
Ewan ko pero pasaway daw kami. Lagi kaming nasa likod bahay nila Rio. Namimingwit ng talangka sa ilog. Promise, talangka yung andun. Me mga isda pero maliliit lang. tas pag nakahuli na kami. Maglalaro na kami ng lutu-lutuan. Napalo ako nun ng ako yung nautusang bumili ng gas. Huhuhu… L nde pde maligo sa ilog dun kasi madumi saka medyo malakas yung agos.
Pero kapag sobrang init na ng summer, magkakayaan kaming magpipinsan na pumunta ng dagat. Sa navitas kami lagi. 2-3 tricycle yung sasakyan namin, wla ng pagkain pagkain… tinapay lang na kinuha naming sa panaderya nila mel. Hindi naman kami pinapagalitan eh. Tas nde na din kami nagdadala ng tuwalya or pamalit. Malapit lang kasi yung dagat eh. Ehehehe
Naalala ko pa yung huli kong ligo sa dagat. Kasama pa naming nun si papa ko. Para syang butanding na naglalangoy at madaya sya kase kami ayaw nyang papuntahin sa malalim. Nasa may baybay lang kami. Yun yung huli kong ligo pero nde yun ang huli kong punta dun. Huli kong punta dun eh yung pagkatapos ng libing ni papa, buo kaming magkakapatid, kasama si mama saka sila auntie virgie, ate joy, yung 2 kong pamangkin sa pinsan, si kuya eric, nde ako naligo kasi nalulungkot ako kasi parang nakikita ko si Papa na naglalangoy sa dagat. Late masyado kasi yung reaction ko. Sa mismong libing na ako nakaiyak habang ako yung nagpapasalamat sa simbahan. Dun pumasok sa utak ko na wala na talaga si papa ko.
Anyways, madaming magagandang alaala yung bahay nila papa sa aklan. Madami pa akong dapat asikasuhin dun. Ako yung kelangang magayos ng property naming eh, sana one of these days, makauwi ako dun para maayos ko yung dapat ayusin.
Gusto kong pumunta kina Uncle Jim sa Cebu saka Kina Uncle Than sa Bicol. Magagawa ko yun. Baka next year. Masaya naman ako kahit nde na ako masyado nakakauwi ng Aklan kasi madami pa akong lugar na napupuntahan.
Nakarating na ako ng Pampanga, bulacan, Bataan at Zambales. Sa bataan, me bahay akong tinutuluyan dun. At balak naming magbabarkada (mango tango) na bumili ng lupa para sa amin.. hehehe.
Mas lalo na sa Rizal, pero parang city na din kase yun eh, pero may mga ilang part pa na nde naabot ng technology. Isa na dun yung Daraitan. At natuwa naman ako sa pagsakay sa Habal-habal.
Nakarating na din ako ng Laguna at Mindoro. Babalikan ko ang Palawan. At one of this days, makakaakyat kami sa Sagada.
Pasalamat na lang din ako kasi si Jed mahilig sa Outdoors, nakarating ako ng Cavite at Batangas, isang bundok lang pala ang pagitan nila. From Cavite umakyat kami sa Piko de Loro at pagbaba naming nasa Batangas na kami. Ang sarap magswimming sa dagat, at ang sarap tumawid ng China Sea na ang gamit mo eh bangkang de sagwan…
Ang sarap kumain ng corn meal. Giniling na mais na sinangag yun. Masarap maglaro sa pilapil. Masarap manghuli ng kuhol sa mga palay.at masakit kapag nakagat ka ng langgam or ng hantik. Masarap sumakay sa kabayo kahit wala kang saddle. Masarap umangkas sa kalabaw. At masarap manggatas ng baka kahit sablay yung gawa ko. Masarap manguha ng itlog mula sa pugad ng manok at masakit sila manuka. Masakit mapalo kapag naglunoy ka patubigan para manghuli ng dalag o manghabol ng mga pato. Ang gansa ay nanghahabol kapag nagalit. Ang gandang panoorin ng baboy na nanganganak at kelangan palang putulan agad ng ngipin ang mga biik paglabas pa lang nila ng tyan ng nanay nila. Masarap at makati ang paghahabas (pamimitas ng mga prutas o gulay) at masakit sa tyan ang usok ng sinunog na dayami.
Simple lang ang buhay sa probinsiya. Nde ka magugutom pero mabagal ang araw dun. At alam ko nde ako mabubuhay ng matagal dun. Hanggang pagbabakasyon lang ang pde sa akin dun. One of these days, makakarating din ako ng La Union, at makakabalik sa Cagayan de Oro (kuya hani, mayor ka na ba sa Cagayan?) oi, Alvin, kelan tayo uuwi ng Nueva Ecija? Jed, yung Palawan trip natin? Tay Les, uwi tayo sa inyo… Dave, tara, mukhang Malabo yung kina Les eh.
Madami pa akong pupuntahan dito sa Pilipinas. Kapag napuntahan ko yung mga gusto ko, saka ako lalabas ng bansa. Promise yan.
No comments:
Post a Comment